ROMMEL M. MAGCALAS
Ako at ang mga Taong Nakapaligid sa Akin
Ako
Sa puntong ito ako ay mag lalathala ng mga bagay na may kinalaman tungkol sa aking sarili.
Ako nga pala si Juan Dela Cruz, 18 taong gulang, nakatira sa Sampaguita Street, St. Francis 2, Limay Bataan. Sa kasalukyan ako ay nag-aaral sa St. Francis National High School, Grade11-SMAW ALS.
Ang mga bagay na kinahihiligan ko ay magluto, magbasa ng mga Manga Anime at manuod ng mga Anime series. Ang mga bagay na ayaw ko naman ay ang magbabad sa paggamit ng facebook.
Ang aking pangarap sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral at mabiyan ng magandang kinabukas ang aking mga magulang at pamilya. Maraming paraan para makamit ko ang pangarap na ito gaya ng pagsusumikapan kong tapusin kahit alam kong mahirap ang aking pag-aaral.
Ang mga Taong Nakapaligud sa Akin
Ang aking Pamilya
Ako ay nabibilang sa malaking pamilya. Pang-pito sa sampung magkakapatid. Sa kabila ng aming bilang nag susumikap ako na makatapos sa tulong na din ng aking mga magulang.
Si Nanay ay isang labandera, samantalang si Tatay naman ay isang mangingisda.
Apat sa aking mga kapatid ay may sarisarili ng pamilya. Si kuya Tonny ang aming panganay, ay isang guwardya sa isang bangko na malapit sa aming bahay. Si ate Saling, bunso sa mga babae at pang 4 na anak nila nanay ay isang Nurse sa isang public hospital dito sa limay.
Ang aking mga Kaibigan
Sa paglipas ng panahon pakonti na lang ng pakonti ang aking mga kaibigan. Okay lang yun sabi nga nila "Quality vs Quantity", di bale ng Konti at least Totoo!
Bago ko tapusin ang Personal Blog na ito gusto kong iwanan ang katagang
"Mangarap, Magsumikap, Magtagumpay"
Mangarap ka ng MALAKI! Libre lang mangarap kaya pangarapin mo na yung pinakamataas na pangarap.
Pag alam muna yung PANGARAP mo, MAGSUMIKAP ka, wag mong hayaan na hanggang dyan ka na lang. Alam mo naman sa sarili mo na kaya mo. Kaya G lang!
Paglahat ng pagsubok na dadating kakayanin mo panigurado ang inyong TAGUMPAY!
Comments
Post a Comment